Saturday, August 7, 2010

Ang Budhi Ni Emilio

Ano nga ba ang dahilan kung bakit nabubuhay tayo?

Meron din bang saysay yun kung mamamatay din tayo?

Ano bang pakiilam ko! Sabagay tao rin ako na nabubuhay pero sa kalaunan eh mamamatay. Tanggap ko na ang katotohanan na ganito talaga sa mundong ito, walang permanente lahat din nagbabago. Malay mo isang araw kaharap mo pagkatapos kinabukasan makikita mo nalang sa loob ng kabaong. Diba nakakaloko?

Lumaki akong ulilang lubos sa mga magulang. Walang nanay, ni tatay. Walang mauuwian kasi wala ng tahanan. Itinakwil na ng mga natitirang kamag-anak sapagkat wala naman daw akong pakinabang. Kulang nalang isuka ako ng lipunan na aking ginagalawan. Bata palang ako noong iwan ako ng aking tiyahin sabahay ampunan. Noong namatay ang aking mga magulang siya ang nagprisintang kukupkop saakin, pero di rin naman naglaon eh pinagsawaan narin niya ang pagaalaga saakin. Kaya nong kaarawan ko pinaniwala niyang mamamasyal kami sa mall, pero yun pala iiwan din ako.

Ayun idinala ako sa Asilo de Roxas sa may Sucat. Kunwari’y dadalawin ang kaibigang madre, uloliin pa ba ako! Alam ko na mismo noong oras na iyon na ipamimigay niya ako. Tandang-tanda ko pa noon wala kaming dala-dalang damit ko noon. Ang sabi lang niya ay babalik siya kinabukasan para idala ang mga damit ko. Pero lumipas ang mga araw, linggo, buwan at taon, wala ng nag pakitang Tiya Myrna. Lumipas ang aking pagkabata sa loong ng ampunan na naniniwala na babalik sya pero eto inabutan na ako ng pagbibinata sa loob wala paring Tita Myrna sa ampunan.

Siyam na taon pa ang lumipas, dise-otso anyos na ako. At alinsunod sa batas sa loob ng ampunan e pag naka-abot ka na sa 18-anyos at wala paring kumukupkop sayo e papaalisin ka na nila doon. Samakatuwid malaya ka na.. Dala-dala ang 3 pares ng damit kabilang ang 3 gula-gulanit na brief na pinag pasa-pasahan ng mga nakatatanda noon dun at isang-libong piso, pagkatapos nun e umalis naako.

Noon wala akong alam kung ano ang haharapin ko sa paglabas ko dito sa ampunan. Simpleng pagsusulat at pag-aaral lamang ang aking natutunan. Tanging ang pangalan ko lang na si Emilio Nebran ang aking alam.

Sinubukan kong hanapin ang Tiya Myrna ko noong paglabas ko sa ampunan. Pagdating ko sa aming dating tinutuluyan e sabi ng mga aking pinagtanung-tanungan e mga labing-amin na taon ng patay ang aking Tita dahil daw sa isang aksidente sa kalsada.

Anak ng puta! Akala ko pa naman eh mahahanap ko siya yun pala hindi na, lahat nalang ng taong mahalaga saakin nawawala. Una ay si ama, sunod si ina ngayon pati ang aking Tita Myrna.

Noon nawalan na ako ng pag-asa hanggang sa may sumitsit saakin. Yun pala ang aking kababata., si Popoy. Kasa-kasama ko sya noon sa ampunan pero hindi kami masyadong malapit sa isat-isa. Ang mahalaga nalang saakin noon ay makahanap ng taong matutuluyan. Kaya kahit hindi kami masyadong magkakilala eh pinatos ko na. Sinundan ko sya sa mga eskinita sa mga pinasok namin hanggang sawakas eh nakarating na kami sa tirahan niya. Doon narin nakapag-kwentuhan na kami sa isat-isa. Hindi naman lingid sa kaalaman namin na pareho kami ng pinanggalingan. “Si Emilio pala ito oh!” ika ni Popoy. Napa-iling nalang ako kahit hindi ko sya kilala. “Ako yung binata na nakatira sa cottage na katabi ng sainyo noon” sambit niya.

Doon nawari ko na isa siyang mabuting tao. Kaya makalipas ng ilang mga araw eh hindi na ako naiilang sakanya. Isang kargador sa pier si Popoy, kaya isang araw noon ay isinama niya ako sa trabaho niya. Malamig noong mga kapanahunan iyon. Pero dahil nga trabaho iyon eh pinatos ko na. Buwan pa ang lumipas ganito ang aking sitwasyon. Nagaalaala na ako. Bakit kaya ganito? Minsan nga eh sinabi na ni Popoy na pumunta na ako sa doktor. Pero ako naman itong umayaw.

Trabaho parin ang nasa isip ko noong araw na iyon.

Isang araw, tumakbo ang isa naming kasamahan sa bahay. Takot na takot niyang sinabi saakin ang sinapit ni Popoy, napag-tripan daw si Popoy ng mga iskwater doon kay yun ninakawan at di pa nakuntento inundayan pa ng saksak. Kawawang Popoy, hindi na inabutan ang sarap ng buhay. Ayun ang agang namatay. Noon ay konti ng gumiginhawa ang pakiramdam ko.

Naiisip ko noong mga huling araw hanggang ilibing si Pedro, malas ba ako? Bakit kaya lahat ng mga tao sa paligid ko eh namamatay? Siguro sinumpaako.

Yan ang mga kaisipan na tumatakbo sa isipan ko hanggang sa aking pagtanda. Oo takot akong maiwan, kaya bago ako iwanan uunahan ko na sila. Ako na ang mauunang magiiwan. Nakapag-asawa ako ng isang tindera ng isda sa aming lugar. Di nag laon inanakan ko siya at pagkatapos e iniwan ko. Para saakin sa paraang ganon e maipaparamdam ko sa iba kung gaano kasakit ang maiwan, ang mawalan. Marami pa akong nakatagpong mga babae at ganun parin ang sistema kong ginagawa. Bubuntisin ko tapos iiwan. Di pa ako natapos doon, sa mga inuutangan ko. Pinapangakuan ko na babayaran ko sila pero sa totoo lang, wala na akong balak pang balikan sila. Onti-onti ay nakakaramdam ako ng konting kaligyahan.

Ang makita silang nagdurusa ang aking kasiyahan. Kilala ako sa lugar namin na maitim ang budhi. Kasi daw aako ako ng responsibilidad pagkatapos ay iiwanan ko rin.

Isang araw habang akoy nagtatrabaho muli akong inatake ng ubo. Tanda ko pa na nung una e saglit lang na dumaan ito. Pero bakit ngayon e halosdi na matanggal? Lumipas ang mga araw lalo na akong humina, ang dating malakas na kargador e rumupok na. Muli kong naalala ang lahat. Mula sa aking pagkabata, hanggang sa pagbibinata. Ngayon na ako’y napaglilipasan na ngayon ko lang nalaman na sana hindi ako gumanti sa pagkakataon. Na sana hindi ko tinakbuhan ang mga problema ko. At ang higit sa lahat eh sana hindin ako gumanti sa kapwa ko.

Kaya eto ako ngayon nakalatay sa inaamag na karton, umaasa nalang sa mga kaning-lamig at konting ulam na bigay ng mga kapitbahay ko. Doon ko napagtanto na kung sana hindi ako nagpadala sa mga kawalan ko edi sana meron akong nakakasama ngayon.

Pero wala naman akong pinagsisisihan kasi ginusto ko ito, kaya kahit anong mangyari handa na ako.

-WAKAS-

1 comment:

  1. This is one of my short stories. Ispired by my professor.

    ReplyDelete